Napakahirap nga talaga nang ikaw ay masaktan, mahirap ipaliwanag, madaling i-kwento ngunit sa bawat pag bigkas ay ang pagsasariwa ng mga sugat.
Ilang beses na akong nasaktan ngunit sa bawat galos sa aking puso ay parang walang kasing sakit ang panibagong karanasan. Minsan nga'y nahihiya akong magkuwento sa ibang tao dahil iniisip ko na kahit naman maikwento ko ay wala paring mangyayari, hindi mababago ang kinalalagyan kong bote na unti unti nang napupuno nang mainit na tubig na dahan dahan akong nilulunod. Siguro nga mababawasan ang bigat nang iyong damdamin ngunit di ba mas masarap kung ang nakikinig sa iyo at nagpupunas ng luha mo ay ang mismong tao na dahilan ng iyong paghihirap?
Sabi nga ng isang kaibigan (si Danlen) " sa marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak", masarap ang umibig, tunay naman, ngunit kakambal nito ang walang patid na pag tulo ng luha sa bawat butas na nagagawa ng tinik, ngunit aminin natin na sa bawat pag galing ng sugat ay walang kapantay na kaligayahan na ani mo'y walang nangyari, walang bakas ng luha at lungkot, ngunit sa bawat pag galing ng malalim na sugat ay nag-iiwan ito ng pangit na pekas na sa huli ay siyang dahilan ng pag pangit ng relasyon.
Sa kung ano man ang nangyayari sa akin ngayon ay masaya parin ako sa dahil i am still able to compose my self, live life, laugh and enjoy but i have to admit hiding the pain is what makes me hurt more. I am weakened by this experience but i will not fall for defeat. This is a battle i've won before, i just need time. Time fades the stains.
So help me God.
and so do you.
God bless.
Thursday, June 08, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
every heartaches teaches us how to love better. at sa pagdating ng tunay na pag-ibig ito ay magdudulot sa atin ng walang katumbas na kaligayahan.
aray!
tama ka fwend. just hold on to to your sanity. it'll pay off.
kaya mo yan!
Best regards from NY! brown velvet sofa discount minidv camcorder play black jack online free blackjack hit card Kelty- tornado 4900ci internal frame backpack Black folding jack leg table Diet pill with ephedra sinica in it Lottery massachusetts megabucks 20 regency awnings chesham Where did the game of football originate Summer riding pants motorcycle Casino black jack game free microsoft free virus and spyware protection
wow!!go on with your colorful life friend,,,,
hay...
Post a Comment