Saturday, June 17, 2006

Alipin

"Di ko man maamin Ikaw ay mahalaga sa akin Di ko man maisip Sa pagtulog ikaw ang panaginip, Malabo man ang aking pag-iisip Sana’y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin

Ako’y alipin mo kahit hindi batid, Aaminin ko minsan ako’y manhid. Sana ay iyong naririnig Sayong yakap ako’y nasasabik

Ayoko sa iba, Sayo ako ay hindi magsasawa. Ano man ang iyong sabihinUmasa ka ito ay diringgin, Madalas man na parang aso’t pusa Giliw sa piling mo ako ay masaya

Pilit mang abutin ang mga tala, Basta’t sa akin wag kang mawawala


Ako’y alipin mo kahit hindi batid,Aaminin ko minsan ako’y manhid. Sana ay iyong naririnig, Sayong yakap ako’y nasasabik. Pagkat ikaw lang ang nais makatabi, Malamig man o mainit ang gabi. Nais ko sana iparating na ikaw lamang Ang siyang aking iibigin"
-shamrock
my heart is not a virign, i loved but i failed, not for the first time but it feels the same. i may have been an "alipin" but nothing more. my literature has missing pieces, still, i am back to completing what i don't have, maybe this time i'll dance slower than usual, a different kind of music might just give me the break i need.
this song WAS for you.

Sunday, June 11, 2006

Thursday, June 08, 2006

Para sa iyo tunay na pag-ibig...

Napakahirap nga talaga nang ikaw ay masaktan, mahirap ipaliwanag, madaling i-kwento ngunit sa bawat pag bigkas ay ang pagsasariwa ng mga sugat.

Ilang beses na akong nasaktan ngunit sa bawat galos sa aking puso ay parang walang kasing sakit ang panibagong karanasan. Minsan nga'y nahihiya akong magkuwento sa ibang tao dahil iniisip ko na kahit naman maikwento ko ay wala paring mangyayari, hindi mababago ang kinalalagyan kong bote na unti unti nang napupuno nang mainit na tubig na dahan dahan akong nilulunod. Siguro nga mababawasan ang bigat nang iyong damdamin ngunit di ba mas masarap kung ang nakikinig sa iyo at nagpupunas ng luha mo ay ang mismong tao na dahilan ng iyong paghihirap?

Sabi nga ng isang kaibigan (si Danlen) " sa marunong umibig, bawat sugat ay bulaklak", masarap ang umibig, tunay naman, ngunit kakambal nito ang walang patid na pag tulo ng luha sa bawat butas na nagagawa ng tinik, ngunit aminin natin na sa bawat pag galing ng sugat ay walang kapantay na kaligayahan na ani mo'y walang nangyari, walang bakas ng luha at lungkot, ngunit sa bawat pag galing ng malalim na sugat ay nag-iiwan ito ng pangit na pekas na sa huli ay siyang dahilan ng pag pangit ng relasyon.

Sa kung ano man ang nangyayari sa akin ngayon ay masaya parin ako sa dahil i am still able to compose my self, live life, laugh and enjoy but i have to admit hiding the pain is what makes me hurt more. I am weakened by this experience but i will not fall for defeat. This is a battle i've won before, i just need time. Time fades the stains.

So help me God.
and so do you.

God bless.

Sunday, June 04, 2006

This is what TOXICITY does to you

since i have nothing much interesting to write just yet because everything i do is pretty much the same, here are a few pictures taken after a hard day's work. the rest will come soon. i hope you guys like it. :) God bless. :)

with sharrie she says bagay "daw" kami


si sharrieban at ako

bakit ka ba pa-cute?